Home / Entertainment / Kulit! 'PGT' finalists Joven at Orville, nagpasaya sa 'Showtime'

Kulit! 'PGT' finalists Joven at Orville, nagpasaya sa 'Showtime'

MANILA — Kasiyahan ang ibinigay ng "Pilipinas Got Talent" grand finalists na sina Joven Olvido at Orville Tonido sa "It's Showtime" nitong Huwebes.

Palakpakan at tawanan ang mga manonood sa nakakatuwang pag-lip sync ni Orville ng awiting "I Look To You" na pinasikat ni Whitney Houston.

Hindi naman matatawaran ang kakulitan at charisma ni Joven sa kanyang pagsayaw na ikinatuwa ng mga manonood.

Ibinahagi rin ni Joven na aabangan siya sa sitcom ng CineMo na "Funny Ka, Pare Ko" na pinagbibidahan nina Karla Estrada at Bayani Agbayani.

"Nandito lang ako, lagi handang magpasaya sa inyo, madlang pipol," ani Joven.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*