Home / Lifestyle / Lalaki nanaksak ng bisita, nanunog ng bahay sa Zamboanga City

Lalaki nanaksak ng bisita, nanunog ng bahay sa Zamboanga City

ZAMBOANGA CITY – Dalawa ang patay matapos sumiklab ang sunog sa J. Johnston Street, Barangay San Jose Gusu Linggo ng umaga.

Ayon kay Fire Superintendent Jhufel Brañanola, District Fire Marshall, intensyonal na sinunog ni Rico Vidal ang kanilang bahay matapos niyang saksakin ang kanilang bisita na si Isabelito Maninggo.

Agad naman binawian ng buhay si Maninggo habang na-trap din sa sunog si Vidal.

Sa tala ng Bureau of Fire Protection, umabot sa 15 bahay ang natupok sa apoy habang nasa higit 50 na pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon kay Brañanola, may diperensya sa pag-iisip si Vidal na magdadalawang linggo pa lamang nakikitira sa kaniyang kapatid na siyang nagbabantay sa bahay na kaniyang sinunog.

Kasalukuyang nakikitira ang mga biktima ng sunog sa bahay ng kanilang mga kamag-anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*