Home / Lifestyle / Lalaki, patay matapos maipit ng dalawang bus sa Makati

Lalaki, patay matapos maipit ng dalawang bus sa Makati

MAYNILA—Bumulagta sa bahagi ng EDSA Guadalupe sa Makati City ang isang lalaki matapos mapagitnaan at maipit ng dalawang pampasaherong bus Sabado.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Luis Oracion, isang overseas Filipino worker na residente ng Project 8, Quezon City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Southern Police District, sasakay sana ng bus ang biktima sa northbound lane ng EDSA Guadalupe ngunit hindi pa man ito nakakasampa ay naipit na ito ng Nicolas Albert Transport Bus at Pitbull Bus Transport.

Sinubukan pang dalhin ang biktima sa Ospital ng Makati ngunit idineklara itong dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa kaniyang katawan.

Dinala naman sa himpilan ng Makati traffic at nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga driver ng dalawang bus para ma-imbestigahan at matukoy kung sino ang may kasalanan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*