Home / Lifestyle / Magpinsan na 'gunrunner', timbog sa Navotas

Magpinsan na 'gunrunner', timbog sa Navotas

MAYNILA – Arestado ang magpinsan na umano'y sangkot sa pagbebenta ng baril sa buy-bust operation sa Barangay Northbay Boulevard North, Navotas City.

Nakuha sa kanila ang isang kalibre .45 na baril at kalibre .38 na baril.

Ikinasa ang operasyon sa isang bahay kung saan inabutan din ng mga pulis ang 9 katao sa isang drug session.

Kumpiskado sa kanila ang P100,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. – ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*