Home / Lifestyle / Makulay na pailaw pampasko bida sa Carmen municipal hall

Makulay na pailaw pampasko bida sa Carmen municipal hall

Nagningning ang paligid ng Municipal Hall ng bayan ng Carmen matapos pailawan ang libo-libong nakapaligid na Christmas decorations. Lorilly Charmane D. Awitan, ABS-CBN News

CARMEN, Agusan del Norte – Libo-libong maningning na mga ilaw ang bumalot sa municipal hall dito sa bayan sa taunang pagpapailaw sa Christmas decorations, Biyernes ng gabi.

Inabangan ng mga Agusanon at turista ang pagpapailaw sa higit sa 6,000 Christmas lights at iba pang dekorasyon tulad ng 70-foot Christmas tree, tunnel of lights, at waterfalls.

Lahat, maging bata o matanda, ay nasiyahan sa pagpapakuha ng kanilang mga litrato o pagse-selfie sa tabi ng mga makukulay na dekorasyon.

Ayon kay Carmen Mayor Ramon Calo, sapat na ang makitang masaya ang mga taong bumibisita sa bayan tuwing Disyembre.

Matutunghayan ang dekorasyong pampasko hanggang Enero 5, 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*