Home / Lifestyle / Mga residente sa palibot ng Mayon, pinalilikas na matapos ang ashfall

Mga residente sa palibot ng Mayon, pinalilikas na matapos ang ashfall

Kinumpirma ng Phivolcs na nagkaroon ng high-frequency volcanic earthquake ang bulkang Mayon bandang alas-5 ng hapon ng Sabado.

Ayon kay Arnel Aquino, volcanology observer ng Phivolcs, nagkaroon ng ashfall sa southwestern part ng Mayon na posibleng bumagsak sa mga barangay na sakop ng mga bayan ng Camalig at Guinobatan.

Ayon naman kay Cedric Daep ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, lumalabas na nagkaroon talaga ng aktibidad ang bulkan dahil nagkaroon umano ng ashfall sa mga barangay ng Ilawod, Quirangay at Camalig proper. 

Naglabas na ng advisory ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na wala na dapat human activity sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng Mayon.

Kabilang dito ang Anoling ng Camalig, Miisi ng Daraga, Canaway at Calbayog ng Malilipot, Buang at Magapo ng Tabaco, at Baligang sa Ligao. 

Pero dahil sa eastern section ng Mayon papunta ang malakas na hangin dulot ng amihan, kasama sa pinalilikas ang mga residente sa barangay Quirangay, Sua, at Tumpa ng Camalig; barangay Tinubran, Maninila at Tandarura sa Guinobatan, at Amtic sa Ligao dahil delikado umano sakaling magkaroon muli ng ashfall Sabado ng gabi.

Sa mga oras na ito, patuloy na umano ang isinasagawang evacuation sa mga apektadong residente at posibleng maapektuhan pa ng ashfall sa palibot ng bulkan.

–Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*