Home / Lifestyle / Motorsiklo nahulog sa tulay sa Bacolod; 2 patay

Motorsiklo nahulog sa tulay sa Bacolod; 2 patay

BACOLOD CITY – Patay ang driver ng isang motorsiklo at angkas nito matapos mahulog sa tulay sa Barangay Taculing sa lungsod nitong Biyernes ng madaling araw. 

Patay na ang driver ng motorsiklo na si Leonel Ermeo nang makuha ng rescuers matapos ang isang oras na search and rescue operation.

Agad namang isinugod sa ospital ang angkas na si Romel Baones dahil sa natamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Binawian din ito ng buhay sa ospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumagpas sa kurbada ng daan ang motorsiklo at nahulog sa tulay.

Posible umanong nawalan ng balanse ang minamanehong motorsiklo habang tinatahak ang pakurbadang daan.

Hindi matukoy ng pulisya kung nakainom ang dalawa.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*