Home / Entertainment / Myrtle Sarrosa, may special participation sa muling pagbubukas ng 'Pinoy Big Brother' house

Myrtle Sarrosa, may special participation sa muling pagbubukas ng 'Pinoy Big Brother' house

MAYNILA — Isang special participation sa muling pagbubukas ng "Pinoy Big Brother" house ang ibinahagi ng former housemate na si Myrtle Sarrosa.

Matatandaan na itinanghal noon na big winner si Myrtle sa "Pinoy Big Brother Teen Edition" noong 2012. Kaya naman isa siya sa mga nasasabik sa muling pagbubukas ng "Big Brother" house.

"Kaming mga big winner parang may special role kami for the upcoming opening ng 'Pinoy Big Brother.' This is very exciting. Sana panoorin nilang lahat ng panibagong housemate when the house opens this Saturday," aniya.

Nagbigay din ng tips ang former housemate para magtagal sa bahay ni Kuya.

"Magpakatotoo lang sila, pakita lang nila kung sino sila. Kasi ang mga tao ngayon, gusto nila manood ng 'PBB' kasi gusto nila makita ang tunay na personalities natin with or without the camera. So just be themselves. Kasi 'yung mga taong nanalo diyan ay 'yung mga taong hindi takot na maging sila," aniya.

Napa-throwback din si Myrtle sa isa sa mga naging karanasan niya habang nasa loob siya ng bahay ni Kuya.

"Isa ako sa mga housemate na nominmated hanggang big night pero nakapag-stay. Ang lakas ng staying power, so thankful ako sa mga sumoporta sa akin in the past and sana ma-enjoy din ng mga dating housemate 'yung ganung klaseng experience," pahayag pa ni Myrtle.

Sa darating na Sabado, Nobyembre 10, magsisimula na ang "Pinoy Big Brother: Otso" sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*