Home / Entertainment / Nash Aguas at Mika Dela Cruz, binalikan ang simula ng kanilang love story

Nash Aguas at Mika Dela Cruz, binalikan ang simula ng kanilang love story

MAYNILA — Kasunod ng pag-amin ng Kapamilya actor na si Nash Aguas sa relasyon nila ni Mika Dela Cruz, muling binalikan ng aktor kung paano nagsimula ang matamis na pag-iibigan ng itinuturing niyang childhood crush.

Sa Instagram post ng aktor, ibinahagi nito ang ilan sa mga throwback picture nila ng girlfriend na kasabayan niya na nagsimula sa "Goin' Bulilit."

Courtesy: Nash Aguas Instagram account

Courtesy: Nash Aguas Instagram account

Courtesy: Nash Aguas Instagram account

Courtesy: Nash Aguas Instagram account

Binalikan din ni Mika ang ilan sa mga 'di malilimutan na alaala niya kasama si Nash na kasabayan niya noon bilang isang child star.

teka lang!! sinimulan eh tapusin ko nga 🙈😂 so nakwento niya na naman yung flow nung storya namin.. actually maraming nakakaalam nung kwento namin simula bata, pero marami ring hindi. sa totoo lang guys kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na “Love Rosie” yun ang eksaktong kwento.. 😂 so ayun bago pa goin bulilit magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na “Tiyanaks”. takang taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan. nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully.. hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!) kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako 😂 dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro zone ko si nashie! tawagan pa nga namin dati “TOL” 😂 online games (crossfire) ang talagang naging bonding namin ever since bata kami. mahilig din kami sa mga spontaneous na adventures katulad ng may taping kami tas maaga kaming mapapack up magkikita kami sa Tagaytay tapos maliligo kami sa ulan. ang lagi naming kasama sa mga kalokohan at lakad namin ang parehas naming supportive at cool mommies at syempre ang aming mga tulay na si kuya philip, kuya reyjohn, at si nikki. halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama. magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO’T PUSA to be exact. lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA 😜 hindi kasya dito kung ikkwento ko lahat ng memories namin simula bata hanggang ngayon.. pero umabot din kami sa point na life happened. akala namin talagang di na kami magkikita. pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nagmature kami.. 😊 ng biglang.. isang araw, 😂 pa children’s book na to eh no.. nagkita kami at boom 💥 to be continued.. salamat sa 12 years

A post shared by @ mikadlacruz on

"So ayun bago pa 'Goin' Bulilit' magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na 'Tiyanaks.' Takang taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan. Nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully… hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text… (ANG AAGA LUMANDI!!)," bahagi ng post ni Mika.

Dumaan din daw ang pagkakataon na "na-bro zone" niya si Nash dahil sa takot na mahuli siya kanyang mga magulang.

"Kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong mag-boyfriend hanggang mag-18 ako. Dun ako nag-start maging sobrang boyish, at sobrang na-bro zone ko si Nashie! tawagan pa nga namin dati 'TOL,'" aniya.

Sa kabila ng maraming pagbabago sa kanilang buhay, hindi rin daw inakala ni Mika na muli silang pagtatagpuin ng tadhana.

"Pero umabot din kami sa point na life happened. Akala namin talagang di na kami magkikita. Pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nag-mature kami," pahayag pa niya sa post.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*