Home / Business / NFA rice walang taas-presyo dahil sa dagdag-buwis

NFA rice walang taas-presyo dahil sa dagdag-buwis

MANILA – Tiniyak ng National Food Authority ngayong Huwebes na hindi gagalaw ang presyo ng kanilang bigas sa kabila ng inaasahang pagsipa ng presyo ng ibang dahil sa pagtaas ng buwis.

Sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino na nakapako ang presyo ng regular milled rice sa P27 kada kilo habang mananatiling P31 kada kilo ang well-milled variety.

Nagbabala siyang paparusahan ang rice traders na hindi susunod sa atas.

Hinikayat din ng NFA ang publiko na tumawag sa hotline 8888 o isumbong sa kanilang social media accounts ang anumang pagtaas ng presyo ng NFA rice.

Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*