Home / Lifestyle / P13.5-M shabu, nasabat sa condo ng Koreano sa San Juan

P13.5-M shabu, nasabat sa condo ng Koreano sa San Juan

MANILA – Aabot sa P13.5 million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang condominium unit na pag-aari ng isang Korean national sa lungsod ng San Juan, Biyernes.

Nakuha mula sa condominium ng Korean chemist na si Kim Jeong Hee ang 2 kilo ng shabu, P450,000 na cash at iba pang materyales at kemikal na ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga, ani 
Dir. Guillermo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office.

Unang naaresto si Kim at ang kaniyang assistant na si Marvin Yu sa isang buy-bust operation noong Miyerkoles, kung saan nakuha mula sa kaniyang van ang P2.2 bilyon na halaga ng shabu.

Bago ang insidente, 2 taong nakulong sa Manila City Jail ang naturang banyaga dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga, ani Eleazar.

– ulat mula kina Lyza Aquino at Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*