Home / Lifestyle / P3-M halaga ng 'shabu', nasamsam sa Bacolod

P3-M halaga ng 'shabu', nasamsam sa Bacolod

BACOLOD CITY, Negros Occidental – Nasamsam ng mga pulis ang nasa P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bacolod City Miyerkoles ng gabi.

Nahuli rin ang 2 babae na umano'y subject ng operasyon.

Ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit at Bacolod City Police Office ang buy-bust sa loob ng Panaad Park and Stadium.

Giit ng mga suspek, hindi sa kanila ang mga nakumpiskang droga. Nagtitinda lang umano sila ng ukay-ukay.

Mahaharap ang 2 babae sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*