Home / Lifestyle / P3-milyong halaga ng droga, nasabat sa Rizal

P3-milyong halaga ng droga, nasabat sa Rizal

MAYNILA – Arestado ang 2 babae sa ikinasang buy-bust operation sa labas ng isang mall sa Cainta, Rizal Huwebes ng hatinggabi.

Narekober sa kanila ang 250 gramo ng umano'y shabu at 1 kilo ng kush o imported marijuana. Nagkakahalaga ang mga nasabat na droga ng P3 milyon.

Napag-alaman ng pulisya na konektado ang mga babae sa isang grupo na nagbebenta ng ecstacy sa Quezon City. Pareho umano sila nang pinagkukunan ng suplay.

Pinabulaanan naman ito ng mga nahuling babae.

"Tatawag po sa akin na may dalang package. Wala akong idea kasi 'di ko naman kinakalikot ang laman," pahayag ng isa sa kanila.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. – ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*