Home / Lifestyle / Pagkuha ng passport appointment, pahirapan pa rin

Pagkuha ng passport appointment, pahirapan pa rin

Limitado pa rin ang mga available na petsa para kumuha ng online passport appointment sa mga consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Hunyo.

Ito ay sa kabila ng anunsyo ng ahensya na mas marami na ang slot na binuksan kasunod ng mga reklamo sa pahirapan sa pagbu-book ng appointment.

Nang subukan ang individual appointment Sabado ng hapon, lumalabas na Mayo 24 lang ang available na petsa para mag-book ng appointment sa DFA-Aseana.

Sa DFA-NCR West o SM Manila, Abril 24 ang earliest available appointment; Hunyo 25 sa DFA-NCR North o Robinsons Novaliches; Hunyo 5 sa DFA-NCR South o Alabang; habang wala ng slot sa DFA-NCR East o SM Megamall.

Bukod dito, pahirapan din ang pag-access sa website na passport.gov.ph dahil nagka-crash ang page.

Ayon sa DFA Office of Public Diplomacy, tinitingnan na ng technical staff ng Office of Consular Affairs ang isyu.

“Appointment slots become or are made available from time to time. We recommend that you regularly visit our appointment site to check the available slots,” ani ng DFA Office of Public Diplomacy sa isang pahayag.

“The heavy volume of applications may cause the appointment system to experience technical issues. Please bear with us while we attend to these issues.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*