Home / Entertainment / PANOORIN: Maja Salvador, ipinakita ang galing sa surfing

PANOORIN: Maja Salvador, ipinakita ang galing sa surfing

MANILA – Pagkatapos mamayagpag sa telebisyon bilang si Ivy Aguas ng “Wildflower,” bumida naman sa isang beach si Maja Salvador nang ipakita niya ang kanyang galing sa surfing.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ng aktres ang dalawang video niya na sumasampa sa surfboard at nagbabalanse sa kabila ng malakas na alon.

Bumuhos ang papuri sa mahusay na pag-surf ni Maja, na tinagurian ng ilang fans bilang “surf queen.”

Ang iba naman, iminungkahi na muling ipareha siya sa kanyang “The Legal Wife” co-star na si Jericho Rosales para sa isang serye o pelikula tungkol sa surfing.

Matatandaang si Jericho, na bida ngayon ng sikat na seryeng “Halik,” ay nagpakita ng kanyang surfing skills sa pelikulang “Siargao.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*