Home / Sports / PBA: Jarencio at Jeric Teng sa GlobalPort, balik tambalan ng coach-player ng UST

PBA: Jarencio at Jeric Teng sa GlobalPort, balik tambalan ng coach-player ng UST

GlobalPort ang ikatlong team ni Jeric Teng sa PBA matapos maglaro sa Rain Or Shine at Kia. File/PBA Media Bureau

Pumirma ng kontrata sa GlobalPort si Jeric Teng, ang ikatlong koponan ng dating star player ng University of Santo Tomas sa PBA.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, may bakante pa sa kanilang lineup kaya kinuha ng team management ang 6-foot-2 na shooting guard.

Sa pagkuha ng GlobalPort kay Teng, na drinaft ng Rain Or Shine noong 2013, makakasama niya muli si Pido Jarencio, na coach ni Teng noong naglalaro pa siya sa UST.

Naging makabuluhan ang tambalang Jarencio-Teng sa España sa UAAP matapos makasungkit ng 4 na semifinal at 2 finals appearances ang Growling Tigers sa 5 taong ni Teng doon.

Naglaro rin si Teng para sa Mahindra/Kia at sa PBA D-League.

Kasalukuyang may 3-4 na kartada ang GlobalPort at nasa ilalim ng standings sa Philippine Cup.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Sports

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*