Home / World / Pinoy seafarer, nawawala sa Indian Ocean

Pinoy seafarer, nawawala sa Indian Ocean

ABS-CBN News

Posted at May 19 2016 06:31 PM

Lumapit sa DZMM ‘Aksyon Ngayon’ ang mga magulang ng isang seafarer matapos misteryosong mawala sa isang barkong pumapalaot sa Indian Ocean ang kanilang anak.

Ayon kay Alejandro Estrera, bigla na lang nawala ang kanilang anak na si Aldrin Vaporoso Estrera habang kumakain ng almusal.

“Ang mensahe ay nawawala ang anak namin. ‘Pag 6:00 ng almusal, wala na (siya) sa duty niya,” ani Estrera.

May limang taon ng nagtratrabaho si Aldrin sa MV Busan Star bago siya mawala noong Oktubre 26, 2015.

Pinaghihinalaang lumabas si Aldrin mula sa dryer store room ng barko.

“‘Pag bubuksan mo ‘yung pintuan na yun, access na yun palabas ng barko na walang railings,” aniya.

Dagdag pa ni Estrera na natagpuan na lamang sa kuwarto ang kaniyang tsinelas, susi ng cabin, at isang sulat.

“Nakita nila ang note sa la mesa, nakalagay ‘yung pangalan ng misis ko, ‘yung address, cellphone number niya. Tapos, sa ibaba ay nakalagay ang ‘Pray the rosary everyday’,” paglalahad ni Alfonso sa sulat.

Hinaing ni Alfonso, wala man lang police report na ipinapakita sa kanila patungkol sa kaso.

“Humihingi kami ng police report mula sa opisina, walang maibigay. Pinadalhan kami ng DFA (Department of Foreign Affairs), tapos na ang kaso,” dismayadong sabi ni Alfonso.

Let’s block ads! (Why?)

Global Filipino

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*