Home / Business / Presyo ng langis, maaaring tumaas ng higit P3 kada litro

Presyo ng langis, maaaring tumaas ng higit P3 kada litro

Nag-abiso ang Department of Energy (DOE) sa posibleng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo bunsod ng galaw ng langis sa pandaigdigang merkado.

Posibleng tumaas ng P0.45 kada litro ang diesel at P0.40 kada litro ang kerosene, habang bababa naman ng P0.80 kada litro ang gasolina.

“Nagkakaroon ng pagnipis ng supply sa Amerika plus may tension sa Iran,” paliwanag ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella.

“Magkakaroon ng pagbaba ng supply tapos tumataas naman ang demand sa China,” ani Fuentebella.

Pero kahit bumaba ang presyo ng gasolina, hindi ito mararamdaman dahil sa ipinataw na buwis sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Aabot sa halos P4 ang kabuuang taas sa presyo ng petrolyo kapag pinagsama ang oil price hike sa patong na excise tax.

Papalo sa P3.77 hanggang P3.87 ang taas sa presyo kada litro ng gasolina habang P3.20 hanggang P3.30 naman ang taas sa presyo ng diesel.

Marami nang gasolinahan ang gumagamit na raw ng bagong stock ng langis at nagpataw ng excise tax.

Patuloy naman ang pagbantay ng DOE sa mga gasolinahang nananamantala sa pagtaas ng mga presyo.

— Ulat nina Jasmin Romero at Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*