Home / Lifestyle / Pulis arestado matapos magpaputok umano ng baril sa mga kapitbahay

Pulis arestado matapos magpaputok umano ng baril sa mga kapitbahay

MANILA – Isang pulis Caloocan ang inaresto matapos itong magpaputok umano ng baril sa kaniyang mga kapitbahay sa Barangay Claro sa lungsod ng Quezon nitong Huwebes.

Arestado ang nakainom umano na si PO1 Marcos Guillermo na nakatalaga sa Police Community Precinct 5 ng Caloocan City matapos umano itong magpaputok ng baril upang takutin ang mga kapitbahay.

Bukod kay Guillermo, kasamang naaresto ang kaibigan niyang guwardiya at technician na kainuman rin.

Kuwento ng imbestigador na si PO1 Mark Andrew Reyes, nag-iinuman muna ang 3 magkakaibigan. Paglabas ng bahay ay susuray-suray silang naglakad at sinita ang mga nakasalubong, kabilang na ang mga residenteng sina Raymond Medina at Angelo Velasco.

Bumunot umano ng baril si Guillermo sa harap ni Medina habang hinamon naman ng pulis ng suntukan si Velasco tsaka nagpaputok upang manakot.

Binaril naman ni Guillermo ang barangay tanod na si Ruben Soriano Jr. na masuwerteng nakailag.

Kinumpiska na ng mga awtoridad ang service firearm ni Guillermo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*