Home / Business / Rollback sa produktong petrolyo, inaasahan sa Martes

Rollback sa produktong petrolyo, inaasahan sa Martes

Matapos ang tatlong magkakasunod na oil price hike, may rollback naman sa mga produktong petrolyo simula sa Martes ng susunod na linggo. 

Tinatayang rollback sa produktong petrolyo:

• Diesel — P0.30-P0.40/litro
• Gasolina — P0.30-P0.40/litro
• Kerosene — P0.50-P0.60/litro
    
Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang bawas-presyo sa diesel at gasolina habang P0.50 hanggang P0.60 naman ang tapyas sa kerosene.

Sa tatlong linggong may oil price hike, umabot ng P1.90 ang iminahal ng diesel at P1.60 naman sa gasolina.

Sa kabuuan mula Enero hanggang Mayo 5,, kasali na ang epekto ng excise tax, tinatayang lagpas P8.00 na ang itinaas sa presyo ng diesel at kerosene, at P7.00 kada litro naman sa gasolina. 

–Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*