Home / Lifestyle / SAPUL SA CCTV: Lola nabundol ng sasakyan sa Makati

SAPUL SA CCTV: Lola nabundol ng sasakyan sa Makati

Sugatan ang isang 64 anyos na lola matapos mabundol at magitgit ng sasakyan sa Makati City.

Nakuhanan pa ng CCTV na Barangay Kasilawan, Makati ang biktimang si Yolanda Bagalayos habang naglalakad sa E. Pascua Street noong Martes, bandang alas-6 ng umaga.

Lumapit sa likuran ni Bagalayos ang isang itim na kotse kaya gumilid ang matanda papunta sa nakaparadang pulang sasakyan.

Pero biglang gumilid ang itim na kotse at nahagip ang biktima.

Naipit at nagpaikot-ikot sa gitna ng dalawang kotse si Bagalayos hanggang sa tumilapon siya sa harapan ng pulang sasakyan.

Nakaabante pa ang itim na kotse pero hinarang ito ng tricycle na pinapasada ng bantay-bayan na si Joel Consolacion.

Lumabas sa kotse at tumulong ang tsuper na si Randy Cruz na umano’y nakaidlip sa loob ng sasakyan kaya hindi namalayang nakahagip na ito ng tao.

Unang rumesponde ang mga tauhan ng Barangay Kasilawan.

Dinala si Bagalayos sa isang pribadong ospital bago inilipat sa Philippine General Hospital.

Nagtamo ng sugat at gasgas sa ulo, balikat, braso, at binti ang biktima. Hirap din itong maglakad.

Sa kabila nito, iginiit ni Bagalayos na hindi niya idedemanda ang tsuper na nakabangga sa kaniya.

Walang sariling pamilya ang biktima na nagtatrabaho bilang labandera. Aniya, determinado siyang bumalik sa paglaba kapag gumaling siya.

Nagkaaregluhan sa barangay ang mga kaanak ng biktima at ang tsuper ng sasakyan.

— Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*