Home / Lifestyle / SAPUL SA CCTV: Magkasintahan nanalisi sa fast food sa QC

SAPUL SA CCTV: Magkasintahan nanalisi sa fast food sa QC

Arestado ang magkasintahang modus ang pananalisi sa ilang kostumer sa fast food chain sa Quezon City para sa kanila umanong pambili ng pinagbabawal na gamot. 

Kinilala ang mga suspek sina Nilson Daza at Virginia Pobre, na umamin sa krimeng pagnanakaw ng cellphone.

Sapul sa CCTV ang pasimpleng pagkuha ng dalawang suspek sa naiwang cellphone ng isang babaeng paalis sa counter. 

Pero dahil nahagip ang mga mukha ng dalawa sa CCTV ay natunton din sila kalaunan.

Inaresto ang dalawang suspek sa pinagtatrabahuhan nila sa Barangay Sto. Domingo. 

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11 na si Superintendent Carlito Mantala, modus ng mga suspek na magpanggap na kostumer para makapagnakaw. 

"Maganda ang damit nilang suot nun eh. Modus itong pananalisi nila at kita na may intensiyon talaga silang nakawan ang biktima," aniya. 

Inaalam na ng QCPD kung may iba pang nabiktima ang dalawang nahuli. 

Sinampahan na ng kaso sa piskalya ang magkasintahang suspek. — Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*