Home / Lifestyle / Sunog sumiklab sa grocery store sa Parañaque

Sunog sumiklab sa grocery store sa Parañaque

Sumiklab ang isang sunog sa isang commercial area sa Barangay San Dionisio, Parañaque City Sabado ng madaling araw.

Itinaas na ito ng Bureau of Fire Protection sa ikalimang alarma.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang grocery store ang nasusunog, na may mga katabing tindahan ng gamot, pagkain, damit at iba pang personal na pangangailangan.

Kuwento ng guwardiyang si Rodante Dela Cruz, nakarinig siya ng mga putok at paggiba bago mag ala-1 ng madaling araw.

Inakala niyang may magnanakaw kaya’t akma niyang kinuha ang kanyang baril, ngunit nang makita ang ibang mga guwardiyang natataranta, napagtanto niyang nasusunog na pala ang establisyimento.

Ayon kay Dela Cruz, wala namang naiwang ibang tao sa establisyimento dahil agad silang nakalabas.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at ang halaga ng mga natupok. – ulat nina Arra Perez at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*