Home / Entertainment / Tom Cruise, may mensahe sa Pinoy fans

Tom Cruise, may mensahe sa Pinoy fans

Kinumusta ni Tom Cruise ang kaniyang Pinoy fans habang nasa red carpet event sa Taiwan ang Hollywood actor para sa pelikulang “The Mummy.”

Sa press conference ng pelikula, ipinangako pa ni Tom na babalik siyang Pilipinas.

“I don’t have the exact date when I can go back but I promise you I will go back to the Philippines,” sabik na sambit ng aktor.

Taong 1989 nang magpunta sa Pilipinas ang aktor para sa shoot ng pelikulang ‘Born on the Fourth of July.’

Posible rin daw na mag-shoot ng mga susunod ng pelikula ng ‘Dark Universe’ sa Southeast Asia.

Umiikot ang dark universe movie franchise sa mundo ng kilalang monsters gaya ng ‘The Mummy’, ‘Frankenstein’, ‘Invisible Man’ at ‘Dracula.’

Ayon sa direktor, di malayong makapasok o ibase sa mga nilalang gaya ng aswang ang mga karakter ng mga susunod na pelikula ng ‘Dark Universe.’

Unang pelikula ng movie franchise ang ‘The Mummy’ na ipapalabas sa June 7.

— Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*