Home / Entertainment / Toni Gonzaga, umamin na minsang umasa kay Sam Milby

Toni Gonzaga, umamin na minsang umasa kay Sam Milby

MAYNILA — Sa naging kuwentuhan nina Toni Gonzaga at Vice Ganda sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo ng gabi, isa sa kanilang napagusapan ang naging nakaraan nina Toni at Sam Milby na muling magasasama ngayon sa pelikulang "Mary, Marry Me" na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ng actress-TV host, hindi niya inasahan mapag-uusapan nilang muli ng dating ka-loveteam ang pinagdaanan nilang dalawa.

"Meron kasing pivotal scene, may importante kasing scene doon sa pelikula na kailangan i-tackle ang past," ani Toni.

Dala ng kanilang kabataan noon, aminado si Toni na nahulog ang kanyang loob para kay Sam na kasama niya sa ilang mga pelikula.
 
"Kasi noong time na 'yun siya 'yung loveteam ko. Siyempre 'pag bata ka 'di ba kung sino ang love-team mo, kilig na kilig ka naman," sabi pa niya.

"Pero alam mo kasi bata pa siya noon. Inamin naman niya na ganun talaga, pinagdaanan na niya 'yun, tapos ayun," patuloy pa ni Toni sa "Gandang Gabi Vice."

Paglilinaw ni Toni nagkapatawaran din sila ni Sam.

Sa kanya namang mga pinagdaanan, ibinahagi rin ng aktres ang mga aral na kanyang natutunan sa naudlot na pagtitinginan nila ng aktor.

"Kasi noong bata kayo, siyempre akala niyo ayun ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Pero alam mo ang dami kong natutunan doon. Natutunan ko na hindi mo masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao base sa simpleng pinagdaanan niya o simpleng relationship na kung ano man ang meron kayo; nausukat 'yon kung paano mo dadalhin ang sarili mo, kung paano mo bibitawan 'yung mga hindi para sa'yo," sabi pa ni Toni.

"Kasi the moment na binitawan mo 'yon, doon mo ma-realize na ang ganda pala ng nakalaan para sa 'yo" aniya.

Ayon pa kay Toni, dala ng hindi naging pormal na relasyon na pinagdaanan nila ni Sam naging madali nalang din para sa kanya ang makapag-move on.

"Dahil hindi naman kami 'yung super formal, tapos wala din kaming malalim na pinaghugutan, hindi din kami talaga nakapag-date, walang pinanghawakan kundi 'yung mga eksena na ginawa sa pelikula, shooting days, walang totoong experience," ani aktres.

"Lahat ng mga nakakakilig na eksena, 'pag binalikan mo, sa pelikula pala nangyari, sa set lang. Wala pala talaga 'yung behind the scene na nag-date kayo, lumabas kayo" patuloy pa niya.
 
Kuwento pa ng aktres kay Vice: "Pero alam mo, doon ka titibay, doon ka tatapang, doon mo ma-realize na you will pick yourself up, bubuhatin mo ang sarili mo, tapos maglalakad ka ulit," pahayag pa ni Toni.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*