Home / Lifestyle / Trak na may kargang mga bote tumagilid sa Maynila

Trak na may kargang mga bote tumagilid sa Maynila

MAYNILA – Tumagilid ang isang 22-wheeler truck sa paanan ng tulay sa Ayala Boulevard sa Maynila, dahilan para unti-unting magsikip ang trapiko doon Martes ng umaga. 

Pakaliwa na sana ang trak na may kargang mga bote sa Ayala Boulevard nang bigla na lang umanong maramdaman ng drayber na si Bernie Vidal na tumagilid ang sasakyan sa may gas station doon.

Nasugatan ang paa ng isang pahinante. Bukod sa kanya, wala naman nang ibang nasaktan sa insidente. Hinihintay pa ang crane na mag-aalis sa trak sa gilid ng kalsada.--ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*