Home / Lifestyle / Trak nahulog sa bangin sa Davao; 1 sugatan

Trak nahulog sa bangin sa Davao; 1 sugatan

DAVAO CITY- Isa ang sugatan matapos mahulog sa bangin sa Barangay Marilog dito ang isang trak na may kargang mais Huwebes ng hapon.

Lumalabas sa imbestigasyon na binangga ng trak ang isang mini van na sinusundan nito at isang motorsiklong kasalubong nito sa daan.

Inararo ng trak ang 3 bahay sa gilid ng kalsada bago nahulog sa bangin na may lalim na 10 metro.

Nabalian ng binti at nagtamo ng mga sugat ang drayber ng motorsiklo na si Danny Rossele. Wala naman sa mga bahay na inararo ng trak ang mga residente nito.

Ayon kay Andron Carmilo, drayber ng nabanggang mini van, mabilis umano ang takbo ng trak na galing pang Bukidnon at patungo sanang Davao.

Tumakas naman ang drayber ng trak at pahinante nito matapos ang insidente. 

Pinaghahanap na ng mga pulis ang drayber na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injury and multiple damage to property.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*