Home / Lifestyle / Trillanes pinaaaresto ng Davao court

Trillanes pinaaaresto ng Davao court

Naglabas ng arrest order ang Davao Regional Trial Court (RTC) Branch 54 nitong Biyernes laban kay Senador Antonio Trillanes para sa mga kasong libelo na isinampa rito ni dating Davao City Vice Mayor at presidential son Paolo Duterte. 

Kaugnay ito ng pagbibintang umano ni Trillanes, na masugid na kritiko ng administrasyon, kay Duterte ng korupsiyon. 

Sinabi ni Trillanes noong 2017 na si Duterte at ang bayaw nito (asawa ng kanyang kapatid na si Sara, ang mayor ng Davao) na si Manases Carpio ay sangkot sa pangingikil sa ride-hailing firms, o mga kompanyang sumusundo o naghahatid ng mga pasahero. 

Pinagbabayad ni Judge Melinda Dayanghirang si Trillanes ng piyansang P24,000 para sa bawat isa sa apat na libel laban dito para ito pansamantalang makalaya. 

Pero walang hold departure order na inilabas ang Davao RTC para kay Trillanes, na nakatakdang bumiyahe sa Europe mula sa darating na Disyembre 11 hanggang Enero 11, 2019. 

Samantala, ibinasura ng Makati RTC Branch 150 ang hirit ng Department of Justice na huwag payagang makabiyahe si Trillanes. 

Pinagtibay ni Judge Elmo Alameda ang nauna nitong pasya noong Nobyembre 29 na pagbigyan ang hiling ni Trillanes na makalabas ng bansa. 

Si Trillanes ay may nakabinbing kasong rebelyon sa naturang korte at pansamantala lamang nakalaya matapos magpiyansa ng P200,000.

Magugunitang pinawalangbisa ng Malacañang ang amnestiyang ipinagkaloob ng gobryerno kay Trillanes noong 2010, na noo'y humaharap sa mga kasong kudeta at sedisyon dahil sa Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula incident noong 2007.

Ngayon lang din nakapagbayad ng P200,000 travel bond ang senador na rekisito para makapagbiyahe siya. 

— Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*