Home / Lifestyle / Umano'y holdaper, arestado sa QC

Umano'y holdaper, arestado sa QC

MANILA – Arestado ang isang lalaki na suspek sa pangho-holdap sa isang accountant sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa QCPD Station 7, kinuha ng suspek na si JR Akla ang cellphone at wallet ng accountant.

Umamin si Akla na lasing siya nang mang-holdap, pero hindi umano niya alam bakit niya kinuha ang cellphone ng babae.

Hindi rin daw niya alam na kasama sa nakuha niya ang wallet.

Nagpaalam pa siya sa pulis na sasama na pauwi sa ABS-CBN News Team.

Pero ikinulong agad si Akla, at mahaharap sa kasong robbery snatching.

Ligtas naman at di nasugatan ang kanyang biktima. — ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*