Home / Lifestyle / Umano'y tulak, timbog sa buy-bust sa Valenzuela

Umano'y tulak, timbog sa buy-bust sa Valenzuela

MANILA – Arestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Valenzuela, Sabado.

Inaresto ng mga awtoridad ang 31 anyos na suspek na si alyas "Rex" matapos niya umanong magbenta ng shabu sa mga undercover na pulis sa isang basketball court sa Barangay Marulas.

Nakuha mula sa suspek ang 5 sachet ng shabu at ang P300 marked money na ibinayad sa kaniya ng mga operatiba.

Mahaharap si "Rex" sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*