Home / Entertainment / Vice Ganda at Calvin Abueva, exclusively dating na ba?

Vice Ganda at Calvin Abueva, exclusively dating na ba?

MANILA — Success ang pagbubukas ng latest branch ng cosmetics business ni Vice Ganda sa isang mall sa Taguig nitong weekend.

Mistulang opening day ng kanyang pelikula sa MMFF sa dami ng fans na sumilip at makita siya nang personal.

Kita rin sa aura ni Vice ngayon na masaya siya sa personal na buhay dahil sa kanyang kaibigan na si Calvin Abueva.

"'Yung friendship niya sa akin, pinapasaya ako noon. At 'yung relationship ko with him and his family na napakabait sa akin, ayun, masaya ako doon," aniya."

"At panatag ang loob ko, hindi katulad dati na kapag may kasama akong kaibigan, natatakot ako. Kapag nakikita kami ng ibang tao sa labas ay 'yung palagi kaming kubli nang kubli. Ngayon, may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip," dagdag niya.

Pinag-uusapan din ang adobo na ipinadala ni Calvin kay Vice at pinagsaluhan ng "It's Showtime" family.

Kuwento ni Vice, kinarir ni Calvin ang pagluto ng adobo.

"Ang sarap nung adobo, in-enjoy ng buong 'Showtime,' pati 'yung staff tumikim. Siya ang nagluto noon, pati kanin siya. In-IG niya 'yun, niluto niya sa pugon kasi nagluluto talaga siya," aniya.

Paglilinaw naman ni Vice sa kung anuman ang mayroon sila ni Calvin: "Ay, hindi kami exclusively dating, hindi kami ganun." 

"Ay oo! Bakit naman natin ipagkakait sa iba! Ay hindi! Hindi rin ako clingy."

Inspired magtrabaho ngayon si Vice lalo na at malapit nang ipalabas ang "Fantastica" na MMFF entry ng Star Cinema ngayong 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*